Ating bibigyan linaw at paliwanag o kaunting diskusyon kung ano nga ba ang Feature Writing.


Ito ay isang artikulong hindi lamang nagbibigay ng mga impormasyon kundi naglalahad ng kuwento sa likod ng balita. Feature Writing explore a range of issues, opinions, experiences, and ideas while captivating the audience. Feature Writing don’t simply present dry facts, they provide a different take on reality from a different angle.


Dumako naman tayo sa mga uri ng isang lathalain.


Una dito ang Feature Story. Feature Stories are created to inform, entertain, persuade, or simply satisfy the audience’s curiosity about a certain topic. Human interest involves person rather than things, for example, "Isang tao na may malaking napanalunan sa isang patimpalak," or who do something significant.


Next one is Personality Sketch. So sa lathalaing ito naka-pokus sa total picture ng isang tao na gusto mong ilathala. It attempts to reveal these: Looks at mannerisms, actions, dress, experiences, for example, President Rodrigo Duterte. So ikukuwento mo kung paano siya manamit ng kaniyang mga katangian at karansan bago siya naging pangulo sa bansa. So eto ang mga dapat nasa isang personality sketch na dapat malaman ng isang mambabasa or pwede din itong tips sa nahihirapan gumawa ng personality sketch. Name, Personality, Background, Physical appearance, Environment, Hobbies, His influence on others, and Anecdotes or Observations.


Sunod ay ang Featurettes or "Mini-Feature" kumbaga. Clever. Attention-getting beginning with events told in chronological order. Conclusion – often a surprise – told quickly. Ito ang pinaka-maikli na anyo ng lathalain.


Madaming klase ang Feature Writing, pero ngayon ibibigay ko muna ang common. So the next one is, Informational Features. So it can be historical, social, practical interest. Halimbawa, kasaysayan ng isang paaralan. Eto ay iba sa mga lathalain. Naglalayon kasi itong mag inform rather than entertaining the readers.


At ang pinaka-huli, Interviews. So konektado pa rin eto sa Personality Sketch, pero mas accessible ito kasi on the spot na nag i-interview ka sail isang personalidad na gusto mong ilathala. So it's either personal or informational.


So mayroon tayong mga steps para hindi masyadong mahirapan sa paggawa ng isang lathalain. First, brainstorming. So sa step na to ay maghahanap ng technique or style kung paano mo ibubuo ang iyong lathalain.


Second, Finding the Angle. Dito mo hahanapin kung anong sulok o anggulo ang gusto mong ipokus sa artikulong gagawin.


Third, Creating an Outline. Dito ka magpaplano o gagawa ng balangkas o pagkabanghay-banghay ng iyong artikulo.


Fourth, researching. So magsasaliksik ka ng mga bagay-bagay o inpormasyon na konektado sa iyong gagawing artikulo.


Fifth, going through the facts to produce an enticing story. So sa step na ito maglalagay ka ng mga katunayan kung totoo nga ba ang inilalahad mo sa iyong artikulo.


Always remember "F" in the FEATURE stands for FACTUAL. Makatotohanan.


Last, creating a punch line to leave an impression. So dito gagawa ng pangmalakasang banat sa iyong artikulo. It can be quotes, anecdotes, or line galing sa kilalang personalidad.


Dadako naman tayo sa bahagi ng isang lathalain.


Sa pamagat muna tayo. In creating a title , you should highlight the main focus of your article. Kumbaga may hint na sa subject. Huwag magpaligoy -ligoy or pamysterious. Huwag niyo itong gawin, "BUKANG-LIWAYWAY SA TAKIPSILIM NG GALIMGIM". Gawin niyo itong simple ngunit nakakaakit at may subject. Alam ko naman na marami na ditong bihasa sa paggawa ng pamagat.


Dumako naman tayo sa Pamatnubay o Lead sa Ingles. Sa paggawa ng pamatnubay o lead medyo hindi ito pangkaraniwan. Kasi ito ang continuation sa lead na magbibigay din atensiyon sa mambabasa. Ngunit gaya ng lead dapat ding may hint ka iyong gagawing artikulo, huwag magpaligoy-ligoy.


May iba't-ibang klase ng lead. First is Punch Lead. So dito isang salitang puno ng intensity o isang emosyon. For example "LABAN!" Then sundan agad ito ng supporting lead.


Second, Staccato. Commonly, binubuo ito ng malalakas na tatlong salita. For example, "Maganda. Nakakaakit. Pinagpala." Then supporting lead ulit.


Third, Humorous Lead. Nakatutuwang pamatnubay. Example, "WANTED: Asawa" O di kaya'y "HANGGANG SAAN AABOT ANG 20 PESOS MO?"


Fourth, Anecdotal Lead. Dito gagamit ka ng isang sipi ng isang estorya o kuwento. Gaya ng pangyayaring konektado sa gagawin mong artikulo.


Sa katawan na tayo. It should have additional facts and statistics. It can have opinions from authorities. It can have sound bites from interviews. It can have personal opinions

It can be visual using photos, diagrams, and graphs. Last for CDP only. Basta sa katawan, ang dapat una mong isaalang-alang ay ang pagiging makatotohanan.


Conclusion – Leave an impression. Pwede kang bumalik sa lead mo. It can be quotes, anecdotes, or line galing sa kilalang personalidad.


Sa paggawa ng isang buong artikulo, ito dapat ang iyong isinasaalang-alang. Be well-researched and well-written. Inform. Entertain. Leave an impression. Laging tatandaan na ang isang lathalain ay sining sa paglalahad ng isang kuwento. Creative non-fiction kumbaga.


Huwag matakot magsulat, huwag matakot magkamali. Basta ang laging tatandaan na ISA KANG MAMAMAHAYAG NA MAGMUMULAT AT MAGBUBUNYAG NG KATOTOHANAN.


Pleade eradicate these mindset.


• Mananalo ba ako?

• Ah basura yung artikulo

• Hindi naman ako mananalo niyan kaya di ko na gagandahan.

• Ah talo na ako diyan.


Like for example, ang nagchat niyan o nagsabi ay magaling at laging nanalo, ano nalang kaya ang iisipin ng isang baguhan?


Learn-Apply-Learn-Apply. Always remember that we are "STILL IMPROVING" Huwag niyong dayain ang sarili niyo sa mga bagay-bagay.


At dito natatapos ang ating diskusyon. Maraming Salamat po sa pag -iimbita sa akin dito. Nawa'y patuloy nating ihayag ang katotohanan.


Padayon Mamamahayag ng makabagong henerasyon

WhatsApp Google Map

Safety and Abuse Reporting

Thanks for being awesome!

We appreciate you contacting us. Our support will get back in touch with you soon!

Have a great day!

Are you sure you want to report abuse against this website?

Please note that your query will be processed only if we find it relevant. Rest all requests will be ignored. If you need help with the website, please login to your dashboard and connect to support